BERLINews  Online News Service of the Philippine Community in Berlin - Nr. 5
    HOME     PREVIOUS     NEXT     ARCHIVE  

KUBO sa Berlin -
binasbasan, dinumog
By: Fr. Adonis Narcelles SVD
  Berlin. "Ang pakiramdam ko ay para akong nasa Pilipinas." "Nakaka-homesick naman dito." "Pabili ng tatlong Chippy at isang Sky Flakes." "Ang ganda ng beach sa Boracay." "Saan galing itong mga kawayang upuan?" "Paabot naman ng Philippine Daily Inquirer." "Si Regine Velasquez ba yang kumakanta?" "Tuloy po kayo sa Kubo."

  Ito ang mga opinyon at damdamin ng mga taong dumalo sa pagbukas ng KUBO. Hindi ito naganap sa Pilipinas, kundi sa Berlin, Germany! Noong ika-10 ng Hulyo at binasbasan ng Chaplain ng Philiippine Community sa Berlin, Fr. Adonis Narcelles, SVD ang bagong tambayan ng mga Pinoy at Aleman sa Berlin. Dinumog ito ng mag bisita na mrami ring nakakuha ng libreng Corn Bits galing sa Pilipinas. Ang Kubo ay acronym sa mga bagay na kinagigiliwan ng mga Filipino - Kainan, Ugnayan, Bilihan at Oras-palipasan.
  TAng Kubo ay isang silid na inayos ng ilang kasapi ng Philippine Community para magkaroon ng lugar kung saan puwedeng madama ang diwang Pinoy. Dito makikita ang mga katutubong dekorasyon gaya ng mag banig, sambalilo, upuang kawayan at mga larawan ng iba-ibang magagandang tanawin sa Luzon, Visayas at Mindanao. May mga ilang pagkaing Pinoy ding mabibili dito gaya ng Chippy, Piattos, Sky Flakes, bagoong, patis, gata ng niyog, San Miguel Beer, mga sari-saring sardinas, noodles at marami pang iba. Ang tubo mula sa mga paninda ay ibibigay sa mga mahihirap na tao sa Pilipinas.

  Sa Kubo ay makakarinig ng mga awiting Pinoy. May mga pahayagang galing sa Pilipinas na puwede ring basahin gaya ng Philippine Daily Inquirer at Manila Bulletin. May roon din maliit na TV para makapanood ng mga pelikulang Pinoy. Sa mga nauuhaw ay may malamig na San Miguel beer o di kaya ay mango juice.
  Napakaraming tumulong at nag-donate ng kanilang mga kagamitan para matupad ang pangarap na ito. Kaya sinisikap ng Philippine Community na maging daan ito para sa mas malalim na ugnayan at bahaginan ng mga Pinoy at Aleman sa Berlin. At sa pagdating ng panahon ay makamit nito ang mithiin ng bawat Pinoy na makadama ng isang "home away from home". Tuloy po kayo sa ating KUBO!


Ito ang ilan sa mga panauhing dumating sa pagbubukas ng KUBO sa Berlin noong ika-10 ng Hulyo.